News and Events

Alamin ang Alert Levels sa Power System o Grid

Dahil sa notice ng Grid Status Alert mula sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, narito ang mahahalagang impormasyon na kailangan nating malaman kung ano ang maaaring mangyari sa tuwing nakalagay sa yellow o red alert status ang grid ng Luzon

1. WHITE ALERT
Normal ang kundisyon ng supply ng kuryente at walang problema sa power system o grid sa Luzon.
Ngangahulugang walang pagkakataong magsagawa ng “MANUAL LOAD DROPPING”

2. YELLOW ALERT
Indikasyong bumababa ang pinagsama-samang reserba ng kuryente sa grid at kung mauubos ng tuluyan ang reserba, posibilidad na magsagawa ng “MANUAL LOAD DROPPING”

3. RED ALERT
Ang pinakamataas na alert level para sa Luzon grid kung saan kinakailangan nang magsagawa ng MANUAL LOAD DROPPING dahil hindi na sapat ang supply ng kuryente sa grid.
Karaniwan itong nararanasan tuwing panahon ng tag-init.

𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐧𝐮𝐚𝐥 𝐋𝐨𝐚𝐝 𝐃𝐫𝐨𝐩𝐩𝐢𝐧𝐠?

Ito ang matinding pangangailangan na magbawas ng power load sa grid dahil sa kakulangan ng supply ng kuryente na nangyayari kapag may mga planta ng kuryente ang nasisira kasabay ang pagtaas ng demand sa paggamit ng kuryente lalo na sa panahon ng tag-init.

Dahil sa kakulangan sa supply ng kuryente, isinasagawa ang MLD sa pamamagitan ng “rotational brownout” kung saan may nakalaang oras ang itatagal ng pagpatay sa daloy ng kuryente sa isang kooperatiba o distribution utility tulad ng NEECO I.

Ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang nangangasiwa kung aling mga distribution utilities ang makakaranas ng MLD at maaaring makasama dito ang NEECO I lalo na kung mapapadalas ang RED ALERT status sa grid ng Luzon.

 

 

 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs