Frequently Asked Questions (FAQs)

Ito ay bahagdan ng kuryenteng nawawala na karaniwang nagmumula sa mga overloaded na linya, substation, distribution transformers at mga ibat-ibang paraan ng pandaraya na gawa ng tao tulad ng jumper, tampered seal, recta, loose ground at iba pa. Nakakadagdag din ang maruruming linya dahil sa mga sanga ng puno na sumasayad sa ating mga linya.
Ito ay isang makabagong teknolohiya na inilunsad ng NEECO 1 upang mapabilis ang sistema ng pagbabasa ng mga kuntador ng ating mga Member Consumer Owners o MCOs. Mabilis na malalaman ng isang kunsyumer ang kanyang kunsumong kuryente sa loob ng isang buwan dahil sa sistema na ito.
Sa inisyatibo po ng management ng NEECO 1 ay lahat na po ng bayan na nasasakupan tulad ng San Isidro, San Antonio, Jaen, Cabiao at siyudad ng Gapan ay ginagamitan na po ng makabagong sistemang ito.
Mayroon po tayong mga EC pay Outlets na nakatalaga sa iba't-bang bayan na nasasakupan ng NEECO 1 tulad ng Seven Eleven, Tambunting Pawnshop, 7MM Pawnshop, Radiowealth Finance, RD Pawnshop, Sameeyakenra Enterprises, Owen & Sons Pawnshop, ExpressPay, Globe Cash, True Money.
Magrehistro lang po sa mga paying machine na matatagpuan sa mga accredited EC Pay Outlets gamit ang inyong pangalan at tamang account number. Ipakita sa mga kawani ng paying outlet ang na-generate na statement of account at magbayad lamang ng eksaktong halaga. Sa mga gagamit ng Globe G Cash, i-download lang ang Globe Gcash Mobile Application gamit ang inyong mobile phone. Siguraduhing may load ang inyong Gcash Wallet, pindutin ang Pay Bills icon, pillin ang Electric Utilities sa drop down list at sa search tab, itype ang NEECO 1. Paalala lamang na may dagdag na limang piso ang mga paying outlets para sa kanilang sevice charge.
Kung sa palagay ng isang kunsyumer ay naging mataas ang kunsumo ng kuryente kumpara sa mga dating kunsumo, maaari pong magsadya sa mga district offices ng bawat bayan o sa main office na matatagpuan sa Malapit, San Isidro. Karaniwan pong ginagawa ng mga kawani ng NEECO 1 ay babasahin muli ang inyong kuntador o ika-"calibrate" upang masukat at malaman kung nasa wasto ang rehistro ng kunsumo sa kuntador.
Maaaring magsadya sa punong tanggapan o Main Office upang malaman ang mga requirements sa pagpapakabit ng kuntador. Malalaman mula sa mga kawani ng NEECO 1 ang ibat-ibang klase ng requirements batay sa klasipikasyon ng ina-apply kung para sa Residential, Commercial o Industrial.
Kailangan munang bayaran ang pagkakautang sa serbisyo ng kuryente. Maaari pong magbigay ang NEECO 1 ng "Financial Payment Scheme" upang mas maging magaan ang pagbabayad.
Magsadya sa punong tanggapan o main office at magdala ng Death Certificate kung namatay na ang dating kasapi.
Mahigpit na pinagbabawal ang flying connection kahit na malapit na kamag-anak, magulang o kapatid ang kinuhanan ng " source" ng kuryente". Ang alituntunin po ng NEECO 1 ay isang linya, isang bahay. May karampatang penalty ang mahuhulihan na gumagawa ng ganitong paglabag.
Mahigpit na ipinagbabawal ang Self Reconnection matapos na maputulan ng serbisyo ng kuryente dahil sa hindi nakapagbayad ng konsumo ng kuryente sa takdang oras. Kailangang bayaran ang nakunsumo at "reconnection fee" sa mga district offices.
Mahigpit na ipinagbabawal ng NEECO 1 ang paglalagay ng sub-meter lalo na sa mga apartment. Kailangan po na may sari-sariling kuntador ang bawat pinto ng apartment. Maaari pong mag apply ng additional meter kung nais na pagbuklurin ang mga kunsumo ng bawat pinto o kwarto ng inyong establisyamento. Magsadya lang sa aming punong tanggapan.
Maaaring tumawag sa mga sumusunod na numero
  • Cabiao District Office: 806-5548,
  • Jaen District Office: 806-5358,
  • San Antonio District Office: 806-0553,
  • San Isidro District Office: 940-6289,
  • Gapan District Office: 486-0101,
  • Main Office: 486-0201,
  • Hotline Numbers para sa Globe, TM Subscribers: 0917 550 0397
  • Hotline Numbers para sa Sun, Smart Subscribers: 0933 827 1010

 

 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs