KURYENTE TIPID TIPS:
Paggamit ng Ilaw:
- Linisin ang bombilya o fluorescent tube. Ang dumi ay nakakabawas ng 50% na liwanag.
- Hanggat maaari Compact Fluorescent Lamp (CFL) ang gamitin.
- Palitan agad ang fluorescent tube o starter kung malapit nang mapundi.
Paggamit ng Refrigerator:
- Sa pagbili ng refrigerator, hanapin ang Energy Efficiency Factor (EEF) na tatak. Mas mataas na EEF, mas matipid sa kuryente.
- Huwag hayaang kumapal ang yelo ng mahigit sa ¼ na pulgada. Mahalaga ang regular na pag de-defrost.
- Panatilihing malinis at walang sira ang condenser coil at pinto ng refrigerator.
Paggamit ng Airconditioner:
- Sa pagbili ng aircon, hanapin ang Energy Efficiency Rate (EER) na makikita sa kulay dilaw na tatak. Mas mataas na EER, mas matipid.
- Iakma ang kapasidad ng aircon sa laki ng kuwarto o lugar.
- Panatilihing malinis ang air filter ng aircon.
- Huwag hayaang sumingaw ang lamig o pumasok ang mainit na hangin sa kuwarto.
Paggamit ng Plantsa:
- Magkaroon ng takdang araw ng pamamalantsa sa isang linggo.
- Mainam na gawin ang pamamalantsa sa umaga kung kailan may liwanag at mas malamig.
- Unahin plantsahin ang mga makakapal at mabibigat na damit at ihuli ang mga maninipis upang ang natitirang init ng plantsa ay lubos na magamit.
Paggamit ng Electric Fan:
- Panatilihing malinis at walang alikabok ang elisi.
- Hanggat maaari ay i-lock ang oscillator sa isang direksiyon.
- Hanggat maaari ay sa katamtamang lakas lamang ito gamitin.
Paggamit ng Television:
- I- off ang TV at hugutin sa saksakan kung hindi ginagamit.
- Iwasang bumili ng Cathode Ray Tube o CRT na TV dahil mas maaksaya ito sa kuryente.
- Manood na lamang ng sama-sama hanggat maaari.