NEW CONNECTION, ADDITIONAL KWH METER, RELOCATION OF KWH METER
MGA KAILANGAN UPANG MAGING KASAPI NG NEECO I
- Dumalo sa Pre-Membership Seminar na ginaganap tuwing araw ng Miyerkules at Biyernes mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
- Punan ng kumpletong impormasyon ang application form.
- Isang piraso ng litrato na may sukat na 2x2 para sa aplikante at sa asawa kung mayroon man.
- Kumuha ng Barangay Clearance.
- Photocopy ng Proof of Ownership
- Photocopy ng ID
- District Clearance
ONLINE PRE-MEMBERSHIP SEMINAR GAMIT ANG ZOOM VIRTUAL MEETING APP
- Kinakailangan sa Online Pre-Membership Seminar ng NEECO 1 ang Zoom Application. Gamit ang internet, maaari itong ma-download ng libre ssa inyong mobile phone, computer desktop o computer laptiop.
- Regular nang gaganapin ang Online Pre-Membership Seminar ng NEECO 1 tuwing Biyernes (2:00 hanggang 3:00 ng hapon)
- Ang Zoom meeting ID para sa online PMS ay ipo-post sa NEECO 1 Facebook Page sa umaga ng araw ng Online PMS.
- Para maayos na maitala sa computer system ng NEECO 1 ang inyong pagdalo sa Online PMS, i-set ang username sa ganitong format: PANGALAN_BARANGAY_BAYAN (Halimbawa: JUAN DELA CRUZ_MALAPIT_SAN ISIDRO)
- Siguruhing walang abala at antala sa pakikinig at pag-unawa sa mga paksa ng Online PMS para maging matagumpay para sa iyo at sa NEECO 1 ang isasagawang pag-aaral.
KARAGDAGANG KAILANGAN BATAY SA KUNG SAAN LUGAR NAKATIRA
- SAN ISIDRO at JAEN - Fire Clearance
- SAN ANTONIO at CABIAO - Building Permit at Fire Clearance
- GAPAN CITY - Building Permit
ANG PROSESONG PAGDADAANAN
- Dumalo sa Pre-Membership Seminar na ginaganap tuwing Miyerkules at Biyernes sa ganap na 8:00 ng umaga.
- Kumpletuhin ang mga requirements at ipasa sa punong tanggapan ng NEECO I sa Brgy. Malapit, San Isidro, N.E.
- Hintayin ang house wiring inspector para sa inspeksiyon at pagtutuos ng bayarin.
- Bayaran ang bayarin sa punong tanggapan ng NEECO I sa Brgy. Malapit, San Isidro, Nueva Ecija.
- Hintayin ang pagkakabit ng kuntador.
DOWNLOAD >> MEMBERSHIP APPLICATION FORM FOR NEW CONNECTION
PAMAMARAAN NG PAGPAPALIT NG PANGALAN O “CHANGE NAME “ NG INYONG METRO
- Dumalo sa Pre-Membership Seminar na ginaganap tuwing Miyerkules at Biyernes mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 12;00 ng tanghali.
- Punan ng kumpletong impormasyon ang Membership Application Form.
- Magdala ng mga sumusunod :
- District Clearance mula sa NEECO I District Office
- Isang piraso ng litrato na may sukat na 2x2
- Barangay Clearance
- Maaring isa sa mga sumusunod:
- Deed of Sale ng lupa/bahay ( kung nabili ang metro o bahay na nais papalitan ng pangalan )
- Death Certificate (Kung patay na ang may ari ng metro o bahay )
- Barangay Certificate ( na Magpapatunay na ikaw ang tagapagmana o kasalukuyang nakatira sa bahay na nais papalitan ng pangalan )
Magbayad ng mga sumusunod:
- Membership Fee - P 5.00
- ID - 80.00
- Change Name - 1.00
- E-Vat - 2.52
ANG PROSESONG PAGDADAANAN :
- Dumalo sa Pre-Membership Seminar na ginaganap tuwing Miyerkules at Biyernes sa ganap na 8:00 ng umaga.
- Kumpletuhin ang mga requirements at ipasa sa punong tanggapan ng NEECO I sa Brgy. Malapit, San Isidro, N.E.
- Ipasa ang request sa billing section ng NEECO I.
- Ang pagpapalit ng pangalan ang magiging epektibo sa sususnod na billing period.
DOWNLOAD >> CHANGE OF NAME FORM