The cooperative also started to form the MCO Organization called “KAakibat na SAmahan ng mga Miyembro Konsyumer At KA May-ari ng NEECO 1 (KASAMA KA)”. The said organization will be assisted by the cooperative on establishing livelihood projects.
Eduk-Asenso Livelihood Program | Basic Housewiring, CCTV and Fire Alarm System Installation Training for MCOs
"Kasabay ng kick-off celebration ng 15th National Electrification Awareness Month kahapon, August 2, 2024, nakipagkoordina ang NEECO I sa TESDA Provincial Training Center (PTC) - Palayan, Nueva Ecija para sa isang pag-aaral at pagsasanay sa Basic House Wiring Installation. Kapansin-pansin sa programang ito ang pagkakaisa ng kooperatiba at mga member-consumer-owners para sa layuning pagpapailaw sa komunidad nang wasto at may pag-iingat. Sa tulong ng ating Board of Directors at mga Member-Consumer-Owners Organization Officers ay nabigyang-paanyaya ang ating mga barangay electrician sa mga bayang sakop ng NEECO I upang dumalo sa nasabing pag-aaral. Nagpapasalamat ang NEECO I sa pangunguna nina Engr. Estevan Samatra Jr. (TESDA PTC Administrator) at Joselito Ramos, Jr. (TESDA PTC Trainer) para sa isinagawang basic house wiring installation training, pati na rin sa mga barangay electrician dahil sa kanilang ipinakitang dedikasyon para matuto at makatulong sa kapwa member-consumers ng kooperatiba.”
Information Drive Meeting
"Muling sinisimulan ang masigasig na pamamahagi ng mga balitang hatid ng Institutional Services Department (ISD) para sa information and education campaign program ng kooperatiba patungkol sa mga mahahalagang impormasyon na magagamit ng mga member-consumers. Kabilang sa mga impormasyong ito ay ang pag-aapply para sa lifeline rate discount, senior citizen discount, at change name o ang proseso ng paglilipat ng pangalan sa tunay at kasalukuyang nagmamay-ari ng metro. Katuwang sa paghahatid ng mga impormasyong ito ay ang bawat organisadong grupo sa mga barangay na bahagi ng MCOO o Member-Consumer-Owners Organization, upang mas mabilis at madaling maibahagi ang balita sa ating mga kabarangay. Sa nagdaang linggong ito ay natapos nang magsagawa ng info-drive meeting ng ISD sa mga barangay ng Pambuan, Mangino, San Lorenzo, San Vicente, Sto Cristo Norte, Sto Cristo Sur, Sto Niño, San Nicolas, Bayanihan, at San Roque, sa Gapan City.”
Information, Education, and Communication Meeting: Para sa Jaen at Gapan City
Upang matugunan ang tanong ng karamihan, ang NEECO 1 sa pangunguna ng mga kawani ng Member Services Division ay patuloy ang pamamahagi ng impormasyon para mapanatili sa ating pamayanan ang totoong dahilan sa pagtaas ng halaga ng kuryente. Dahil sa mga information meeting na isinasagawa kasama ang mga inorganisang miyembro ng Member-Consumer-Owners Organization sa bawat barangay, ay mas napapadali ang pagkalat ng impormasyon na ibinabahagi ng NEECO 1. Sa mga litratong makikita, ang NEECO 1 ay nagdaos ng info-drive meeting noong Hulyo 20, 2022, para sa Barangay Mangino, Gapan City, at mga barangay ng San Jose at Ocampo-Rivera, Jaen, Nueva Ecija.”
Eduk-Asenso sa NEECO 1 2021
Isinagawa noong Nobyembre 04, 2021 sa Punong Tanggapan ng NEECO 1 sa Brgy. Malapit, San Isidro ang Livelihood Seminar na dinaluhan ng mga Member Consumer Owners (MCO) buhat sa mga Barangay ng Malapit, San Isidro; Sapang, Jaen; Bayanihan at Sto Cristo Norte ng Lungsod ng Gapan. Ang nasabing Livelihood Seminar ay pinangunahan ng Institutional Services Department sa pamumuno ni Engr. Eduardo S. Castillo, katuwang ang mga tauhan ng Department of Trade and Industry sa katauhan nina Ms. Kanary Luth Velasquez, Ms. Elizabeth Cruz at Mr. Alexander William Alfon. Layunin ng Livelihood Seminar na ito ang makapaghatid ng sapat na kaalaman sa paggawa ng ALCOHOL, ALL PURPOSE CLEANER AT LIQUID HANDSOAP na isa sa pangunahing pangangailangan sa panahon ngayon. Kaakibat din nito ang matulungan ang mga MCO ng dagdag na pangkabuhayan habang ang ating bansa ay nasa panahon ng pandemya.”
2nd NCECCO Summit and 4th Launching Anniversary
Ginanap ngayong ika-25 ng Abril 2021 ang 2nd NCECCO Summit at 4th Launching Anniversary nito gamit ang online platform na zoom. Ito ay dinaluhan ng 121 Electric Cooperatives nationwide at iba't ibang EC Allied Organizations, pati na rin ang mga EC-wide Member-Consumer-Owners Officers ng bawat electric cooperatives. Sa summit na ito, ang National Center of Electric Cooperative Consumer, Inc. o NCECCO ay nais ipahayag ang kahalagahan ng member consumer organizations sa mga kooperatiba bilang katuwang sa pangunahing layunin ng lahat ng Electric Cooperatives para sa konsyumers nito, ang MCO Empowerment.”