Kaisa ang NEECO I sa taunang pagbibigay-halaga sa Fire Prevention Month tuwing buwan ng Marso upang alamin at patuloy na ipaalala sa ating mga sarili ang pag-iingat sa panganib na dulot ng sunog.
Para sa taong 2024, ang Fire Prevention Month ay mayroong temang "Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa" na naglalayong itaguyod ang mga tamang alituntunin para maiwasan ang pagkakaroon ng sunog.
Narito ang ilang Fire/Electrical Safety Tips mula sa Bureau of Fire Protection-San Isidro at NEECO I upang maka-iwas tayo sa sunog:
1. Bawasan ang mga nakasaksak sa outlet para iwas overload
2. Regular na icheck ang mga kawad ng kuryente o extension cords
3. Huwag padadaanin ang mga kawad sa ilalim ng carpet, pintuan o bintana
4. Ilayo ang mga bagay na madaling masunog tulad ng tela o papel sa mga heat sources
5. Ugaliing hugutin sa mga outlets ang electrical appliances kung hindi ginagamit
6. Ang paggamit ng extension cords ay hindi dapat gawing permanente o pang matagalan
7. Huwag gumamit ng extension cords o power strip para sa appliances na malakas sa kuryente
8. Ugaliing maayos ang pagkakasaksak ng extension cords at hindi nakalatag sa mga daraanan